Ako ba ay maaaring gahasain ng isang taong kilala ko
Ang karamihan sa mga kababaihang nagagahasa ay kakilala nila ang lalaking gumahasa sa kanila. Kung ang babae ay patuloy na makikipagkita sa kaniya, mahihirapan siyang makalimot sa rape at ang masabi niya ito sa iba.
Panggagahasa ng asawa o dating asawa Kung ang batas o ang mga tradisyon ay tinatrato ang babae bilang pag-aari ng kaniyang asawa, iisipin ng lalaki na may karapatan siyang makipagtalik sa kaniyang asawa anumang oras na gustuhin niya, kahit ayaw ng babae.
Ang babae ay maaaring gahasain ng kanyang boyfriend Maaaring sabihin ng boyfriend ng isang babae na mayroon siyang karapatang makipag-sex sa kaniya dahil ginastusan na siya, dahil nagawa na nila ito dati, dahil sa inakit siya ng babae, o dahil inalok na siya ng kasal. Ngunit kung pinilit pa rin ang babae, ito ay rape pa rin. Maaaring mahirapan ang babaeng pag-usapan ang ganitong klaseng rape dahil sa takot na sisihin siya ng iba.
Sexual harassment Ang isang babae ay maaaring mapilitang makipag-sex sa kaniyang katrabaho o supervisor o kaniyang boss para hindi siya matanggal sa trabaho. Siya ay maaaring pagbantaan na mawawalan ng trabaho o parusahan kapag sinabi niya sa iba.
Sexual abuse sa mga bata Ang isang batang babae o lalaki ay maaaring gahasin ng isang lalaki sa pamilya o sinumang matanda. Kung ang ama, amain, tiyuhin, kapatid na lalaki, pinsan o sinuman miyembro ng pamilya ay pinag-sex ang bata, o hawakan siya ng sekswal, ito ay rape. Mahalagang maintindihan na ang mga bata ay maaaring nalilito o hindi alam ang nangyayari sa kanila, lalo na kung may tiwala sila sa taong umaabuso sa kanila. Maaaring hindi alam ng ibang miyembro ng pamilya ang nangyayaring pang-abuso, maaari nilang itangging ito ay nangyari, o sabihing kasalanan ng bata. Hindi kailanman tamang sisihin ang taong nagahasa, lalo na ang bata.