Alin sa mga babae ang kailangang umiwas sa ano mang uri ng hormonal method

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga babaeng may kanser sa suso o may matigas na bukol sa kanilang suso. Ang hormonal method ay hindi nagiging sanhi ng kanser. Ngunit kung ang isang babae ay mayroon ng kanser sa suso, ang mga pamamaraang ito ay makapagpalala nito.

Ang mga babaeng maaring buntis o ang regla ay naantala.

Ang mga babaeng may abnormal na pagdurugo sa kanilang mga ari sa loob ng 3 buwan bago mag-umpisa ng hormonal method. Kailangan nilang magkipagkita sa healthworker upang malaman nila kung mayroong malubhang problema.

Ang ibang hormonal method ay nakakasama sa mga kababaihan na mayroong ibang problema sa kalusugan. Suriing maigi ang bawat pamamaraan upang malaman kung ito ay ligtas para saiyo. Kung merong problema sa kalusugan sa mga nabanggit dito, at gusto mo pa ring gumamit ng pamamaraang ito, makipag-ugnayan ka sa isang health worker na nagsanay sa hormonal methods ng family planning. Ang ibang gamot sa seizures (epilepsy), para sa sakit sa baga (TB) o sa HIV ay makakabawas bisa ng hormonal mehtod. Ang babaeng gumagamit ng mga gamot na ito ay kailangang gumamit ng ibang pamamaraan ng family planning o isabay ito sa pangalawang pamamaraan kagaya ng condom o diaphragm.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020419