Ang mga anting-anting at mahika ay hindi nakakapigil ng pagbubuntis.
Ang paglalagay ng damo, dahon, buto, at dumi sa ari ng babae ay maaaring makapagdulot ng impeksyon at pangangati.
Ang paghuhugas sa ari ng babae (gamit ang dutsa) gamit ang mga halamang gamot at pulbos ay hindi nakakapigil ng pagbubuntis. Ang semilya ay kumikilos ng napakabilis at maaaring may iba rito na makakaabot sa loob ng sinapupunan ng isang babae bago pa man ito mailabas o mahugasan.
Ang pag-ihi matapos makipagtalik ay hindi epektibo upang makaiwas sa pagbubuntis. (Ngunit maaari nitong maiwasan ang impeksyon sa daanan ng ihi. )
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.