Aling mga babalang dapat kong malaman
Itanong sa sarili ang mga sumusunod:
Nagseselos ba siya kapag nakikipagkita ka sa ibang tao at pinagbibintangan ka na nagsisinungaling sa kanya? Kung iniiba mo ang iyong pag-uugali para lamang hindi siya magselos, nangangahulugang ikaw ay kanyang kinokontrol.
Pinagbabawalan ka ba niyang makipagkita sa iyong mga kaibigan at kamag-anak, o sa paggawa ng mga bagay na ikaw lamang mag-isa? Walang kinalaman kung ano ang kaniyang mga dahilan. Iniiwas ka niya sa mga suporta mula sa mga taong malalapit sa iyo. Mas madali para sa kanyang abusuhin ka kung wala kang ibang mapupuntahan.
Iniinsulto o kinukutya ka ba niya sa harap ng ibang tao? Kalaunan, paniniwalaan mo na ang kaniyang sinasabi. Baka maisip mong nararapat ka niyang itrato nang masama.
Ano ang ginagawa niya kapag siya ay nagagalit? Nagbabasag o nagtatapon ba siya ng mga bagay? Sinaktan ka na ba niya o pinagbantaan ka na sasaktan ka niya? Nakapanakit na ba siya ng ibang babae? Lahat ng mga ito ay palatandaan na hirap siyang pigilan ang kaniyang pagkilos.
Naiinsulto ba siya sa mga taong may kapangyarihan, tulad ng mga guro, mga amo, o kaniyang ama? Baka nararamdaman niyang wala siyang kapangyarihan. Ang ganitong pakiramdam ay magtutulak sa kaniyang piliting mangibabaw sa buhay ng ibang tao sa pamamagitan ng karahasan.
Ginagamit ba niyang dahilan ang alak, drugs. o stress para ipaliwanag ang kaniyang inaasal? Kapag ipinapasa niya ang sisi sa ibang bagay, sasabihin niyang maaayos din ang lahat kung magkaroon siya ng trabaho, makalipat sa ibang bayan, o pagtigil sa paggamit ng drugs o alak.
Sinisisi ka ba niya o ang ibang tao sa kaniyang pag-uugali, o itinatangging mayroon siyang ginagawang mali? Malamang na hindi siya magbabago kung iniisip niyang ikaw ang dahilan ng kaniyang mga nagagawa.