Aling mga droga ang kailangan kong iwasan para manatiling malusog

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Maraming usri ng droga ang ginagamit sa pang araw araw na pamumuhay. Sa ibang mga lugar, ang mga droga o inuming nakakalasing ay mahalagang bahagi ng mga tradisyon. Sa ibang lugar ang mga inuming nakakalasing tulad ng alak ay karaniwan ng inihahain kasama ng mga pagkain. Ang mga droga at inuming may alkohol ay kadalasang bahagi ng mga pagdiriwang at pagtitipon. At ang ibang droga naman ay ginagamit bilang gamot. Maraming tao ang hindi nakaka alam na ang mga inuming may alkohol at ang sigarilyo o tabako ay masamang mga droga.

Mga droga na kadalasang ginagamit sa masamang paraan:

  • alak: mga inumin na may alcohol at nakakalasing
  • kokaina, heroin, opyo, methamphetamine
  • hitso, khat, dahon ng tabako
  • marihuwana
  • tableta na nagpapapayat sa tao o nagpapanatiling gising

mga gamot, lalo na yung para sa matinding kirot, o tumutulong sa tao na makatulog o makapagpakalma

  • ragbi, gasolina, at thinner.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010302