Aling mga ideya tungkol sa pagkain ang nakasasama

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa maraming parte ng mundo, may ilang tradisyon at paniniwala tungkol sa mga kababaihan at pagkain ang mas nakasasama kaysa nakatutulong. Halimbawa:

Hindi totoong ang mga babae ay mas kaunti ang kailangan na pagkain kaysa mga lalaki.

May mga taong naniniwala na ang mga lalaki ay nangangailangan ng mas maraming pagkain. Ngunit ang mga taong ito ay mali. Ang mga kababaihan ay nagtatrabaho rin nang mabigat tulad ng mga kalalakihan sa maraming komunidad kung hindi man mas mabigat at kailangang maging kasing lusog. Ang mga babaeng malusog at nakaka-kain nang tama simula ng pagkabata ay lumalaking malusog, at mas kaunti ang problema sa paaralan at trabaho.

Hindi rin totoo na ang mga kababaihan ay kailangang umiwas sa mga pagkain habang nagbubuntis at nagpapasuso.

Sa ilang pamayanan, may mga paniniwala ang isang babae ay may dapat iwasang pagkain--- tulad ng sitaw, itlog, manok, mga pagkaing gawa sa gatas, karne, isda, prutas at gulay---sa iba't-ibang panahon sa kaniyang buhay. Ang mga panahong tinutukoy ay tulad ng kaniyang kabuwanang dalaw, pagbubuntis, pagkatapos manganak, habang nagpapasuso o kapag menopos na. Ngunit ang isang babae ay nangangailangan ng lahat ng pagkaing ito, lalo na sa panahon ng pagbubuntis at pagpasuso. Ang pag iwas sa mga pagkaing ito ay maaring maging sanhi ng panghihina, sakit at pati pagkamatay.

Hindi rin toto na ang isang babae ay kailangan unahin ang kanyang pamilya sa pagpapakain.

Minsan, tinuturuan ang mga babae na ang unahin ang pamilya sa pagpapakain bago ang sarili. Ang kinakain na lang niya ay kung ano ang natira, kaya madalas hindi siya nakakain nang mabuti tulad ng kanyang pamilya. Ito ay hindi kailanman nakapagpapalusog. At mas masama ito kung ang babae ay buntis o bagong panganak. Kapag ang pamilya ay hindi tinutulungan ang babae kumain nang tama, hinikikayat namin siyang gawin ang nararapat para makakuha ng sapat ng pagkain. Maaari siyang kumakin habang nagluluto o kaya magtabi ng pagkain at kumain habang kanyang asawa ay wala sa bahay.

Hindi rin totoong ang maysakit ay mas kaunti ang kailangang pagkain kaysa sa taong malusog.

Ang mabuting pagkain ay hindi lamang nakapipigil ng sakit, kundi nakakatulong din para labanan ang ito at tuluyang gumaling. Bilang pangkalahatang alituntunin, ang pagkaing nakabubuti sa taong malusog ay nakabubuti rin sa kanila kung may sakit.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010413