Aling permanenteng pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya ang mayroon

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Mayroong mga operasyon na maaaring gawin upang permanenteng hindi makapagbuntis ang isang babae. Dahil ang mga operasyon na ito ay permanente, ito ay nararapat lamang na gawin ng mga mag-asawang sigurado na sa kanilang desisyon na hindi talaga magka-anak.

Ang operasyon upang permanenteng hindi na magka-anak ay tinatawag na isterilisasyon o

  • Vasectomy (para sa mga lalaki)
  • Tubal Ligation (pagtatali) para sa mga babae

Maaring pumunta sa unyong health center o hospital na malapit upang magawa ang ganitong operasyon. Ang pagtitistis ay mabilis lamang at ligtas, at walang masamang maidudulot sa kalusugan.

MAHALAGANG PAALALA: Ang sterilisasyon ay hindi epektibong paraan upang maproteksyunan ka sa mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik, kagaya ng HIV. Kaya manyari lamang na mag-isip pa rin ng ibang paraan upang makaiwas sa mga ganitong impeksyon.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020518