Aling uri ng pagpaplano ng pamilya ang dapat kong gamitin pagkatapos ng pagpapalaglag
Pagkatapos ng pagpapalaglag maaari kang muling magbuntis kaagad--- sa loob ng dalawang linggo. Maraming paraan ng pagpaplano ng pamilya ang nangangailangan ng panahon para makapagsimulang gumana, kaya makipag usap sa isang tao tungkol sa pagpaplano ng pamilya at simulang gamitin ang isa sa mga paraan sa lalong madaling panahon.
Ang Tableta: Maaaring magsimula kang uminom ng tableta o pills kasabay ng pagpapalaglag. Huwag mong hintayin ang mahigit sa isang linggo.
Intra-Uterine Device (IUD): Kung walang panganib sa impeksyon, ang isang nagsanay na health worker ay maaaring maglagay ng IUD pagkatapos ng pagpapalaglag.
Iniksyon: Ang unang iniksyon ay dapat ibigay sa araw ng pagpapalaglag, o hanggang isang linggo pagkatapos.
Implants: ang implants ay maaaring ilagay bago ang pagpapalaglag o pagkatapos ng pagpapalaglag o hanggang makaraan ang isang linggo.
Isterilisasyon ng babae: Kung ang iyong pagbubuntis ay kulang tatlong buwan, maaari kang i-sterilized habang nagpapalaglag o pagkataposnito. Mahalagang maging maingat sa pagpapasya. Ang isterilisasyon ay permanente.
Isterilisasyon ng lalaki: Ang isterilisasyon sa lalaki ay maaaring gawin kahit kailan at permanente. Ang pasyang ito ay dapat gawing maingat.
Condoms: Ikaw at ang iyong katuwang ay maaaring gumamit ng condoms sa pinaka maaga ninyong muling pagtatalik. Ang condoms ay nakapagpoprotekta laban sa STIs kasama na ang HIV.
Spermicide: Maaari mong gamitin ang spermicide kung ikaw ay makikipagtalik muli. Huwag gamitin ang spermicide kung ikaw ay may HIV, o kung ikaw ay maraming katalik.
Diaphragm: Kung wlaang impeksyon o pinsala, maaaring maging hiyang ka sa diaphragm pagkatapos ng pagpapalaglag.
Natural na Paraan (hima at pagbibilang ng araw) Ang paraang ito ay hindi gumagana hangga't hindi bumabalik ang normal mong regla.