Ang pagpapalaglag ba ay delikado para sa akin

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang ligtas na pagpapalaglag ay mas makapagdudulot ng pinsala kaysa sa ituloy ang pagbubuntis.

Ang pagpapalaglag ay ligtas kung ito ay ginawa:

  • ng sanay at may karanasan na mga mangagagamot.
  • na may tamang mga kagamitan.
  • sa malinis na pamamaraan. Lahat ng ipapasok sa pwerta at sinapupunan ay kailangang isterilado (walang kahit anong mikrobyo).
  • bago mag tatlong buwan (12 linggo) pagkatapos ng huling buwanang regla.

Ang pagpapalaglag ay delikado kung ito ay gagawin:

  • ng hindi sanay na tao
  • na gamit ang maling instrumento o gamot.
  • sa hindi malinis na pamamaraan.
  • pagkatapos ng tatlong buwan (12 linggo) ng pagbubuntis, maliban kung ito ay gagawin sa ospital o health center na may mga espesyal na kagamitan.

Sa buong mundo, 46 milyon na pagpapalaglag ang ginagawa kada taon. Kadalasang nakakaligtas ang mga kababaihan, kahit ang iba ay hindi legal. Pero maaring makamatay ang hindi ligtas na pagpapalaglag o makapagdulot ng mga komplikasyons kagaya ng inpeksyon, matagal na pananakit at pagka baog. Sa 100, 000 kababaihan na nagapaplaglag gamit ang ligtas na paraan, isa lang ang namamatay. Subalit 100 hanggang 1, 000 ang namamatay sa bawat 100, 000 na kababaihan na nagpapalaglag gamit ang hindi ligtas na pamamaraan.




Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020204