Ano ang AIDS

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay isang uri ng napakaliit na mikrobyo na hindi mo makikita. AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay isang sakit na nabubuo katagalan, pagkatapos ang isang tao ay mahawahan ng HIV, ang mikrobyo na sanhi ng AIDS.

Ang isang tao ay may AIDS kung ang immune system ay humihina na hindi na ito makalaban sa mga impeksyon. Kadalasan ang mga palatandaan ay palaging may sakit, mga pang karaniwang mga sakit, tulad ng pagtatae o trangkaso. Ang mga palatandaan ng AIDS ay maaaring magkakaiba sa ibat ibang tao. Ang taong may AIDS ay maaaring makakuha ng mga impeksyon na bihira sa mga taong walang HIV, tulad ng kanser o mga impeksyon sa utak.

Ang mabuting nutrisyon at tamang mga gamot ay makatutulong sa katawan ng tao na labanan ang mga impeksyon na nagdudulot ng AIDS at payagan siyang mabuhay ng matagal. Pero walang lunas sa HIV.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011003