Ano ang Anemya
Ang isang taong may anemya ay may kakulangan ng pulang dugo. Ito ay nangyayari kapag ang mga pulang dugo ay nawawala o nasisira nang mas mabilis bago mapalitan ang mga ito ng ating katawan. At dahil ang mga kababaihan ay nababawasan ang dugo tuwing sila ay nag kakaron ng kabuwanan, ang anemya ay mas madalas mangyari sa kababaihang nasa pagdadalaga at menopos. Halos kalahati ng mga babaeng nagdadalangtao sa boung mundo ay may anemya dahil kailangan nilang gumawa ng dugo para sa sanggol sa kanilang sinapupunan.
Ang anemya ay malubhang sakit. Mas madaling kapitan ng ibang sakit ang babaeng may anemya at maaring maka apekto ito sa kanyang kakayahan sa pagtatrabaho at pag-aaral. Ang mga babaeng anemic ay mas malamang na matinding duruguin o kaya'y mamamatay habang nanganganak.
Ano ang sintomas ng Anemya?