Ano ang HIV

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay napaka liit na mikrobyo, na hindi mo makikita. Ang AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay isang sakit na nabubuo katagalan, pagkatapos ang isang tao ay mahawahan ng HIV, ang mikrobyo na sanhi ng AIDS.

Kapag ang tao ay nahawahan ng HIV, inaatake ng mikrobyo ang immune system, ang bahagi ng katawan na lumalaban sa impeksyon. Unti-unting pinapatay ng HIV ang bahaging bumubuo ng immune system hanggang ang katawan ay hindi na makalaban sa mga impeksyon. Karamihan ng mga taong nakakuha ng HIV ay hindi nagkakasakit mula 5 hanggang 10 taon. Pero sa huli ang immune system ay hindi na makalaban sa impeksyon. Sapagkat ang HIV ay tumatagal ng taon para magkasakit ang taong naka kuha nito, karamihan sa mga may HIV ay may pakiramdam na malusog at hindi nila alam na mayroon na sila nito.

MAHALAGA: Ang HIV ay maaaring maisalin sa iba sa oras na ikaw ay magkaroon nito, kahit na ikaw ay mukang malusog. Hindi mo masasabi sa itsura ng tao kung siya ay may HIV. Ang tanging paraan para malaman mo na ikaw ay mayroon nito ay sumailalim sa HIV test.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011002