Ano ang Pre-menstrual Syndrome PMS

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

May mga kababaihan na may nararamdamang hindi kanais-nais tuwing malapit na silang magregla. Maaaring mayroon silang mga nararamdamang na mga kakaibang damdamin na tinatawag na pre-menstrual syndrome (PMS). Ang mga babaeng may PMS ay makapapansin ng mga sumusunod:

  • Pananakit ng suso
  • Pamimigat ng puson o parang may mabigat ng laman ang puson
  • Nahihirapang dumumi
  • Nakakaramdam ng parang sobrang pagod
  • Pananakit ng mga kalamanan, lalo na sa mababang parte ng balakang o tyan.
  • Panunubig ng ari
  • Pagkakaron ng mga tagihawat sa pisngi
  • Mga damdaming mahirap pigilan


Karamihan sa mga babae ay nakakaramdam ng isa o lahat sa mga nabanggit. Maaari din ang ang mga senyales ay iba't-iba bawat buwan. Para sa maraming kababaihan, ang simula ng pag regla ay panahon ng kakaibang damdamin. Sa kabila nito, ang ibang kababaihan ay nagsasabing higit silang nagiging malikhain o mas nakakatapos ng mas maraming trabaho sa mga panahong ito.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010219