Ano ang aking dapat gawin kung malakas ang aking pag regla o ang regla ko ay inaabot ng maraming araw na higit sa normal

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

  • Masasabing malakas ang pag regla kung ang isang makapal na tela o "napkin" na ginagamit ay natatagos bago pa man tumagal ang isang oras.
  • Ang pag regla ay sinasabing matagal kung ito ay inaabot ng higit sa walong araw.
  • Mga namumuong dugo sanhi ng pag regla ay isa ring basehan na masasabing malakas ang pag regla.
  • Ang malakas na pagregla na tumatagal ng ilang linggo o buwan o taon ay maaring maging sanhi ng anemya

Maaring sanhi:

  • Maaring ang "hormones" ay hindi balansyado kaya ang obaryo ay hindi nakapaglalabas ng itlog. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga kababaihan na may edad mula 20 hangang 40.
  • Ang intra-uterine device (IUD) ay maari ding sanhi ng malakas na pag regla.
  • Kung ang babae ay nakunan lalo na kung di nya alam na sya ay buntis.
  • Kung ikaw ay sumasakit ang tyan at dinudugo, maaring ikaw ay buntis at ang bata ay nasa labas ng bahay-bata. MAGMADALI. Pumunta sa pinakamalapit na ospital.
  • Maari din na ikaw ay may problema sa "thyroid".
  • Maari din na ikaw may mga tumutubo na bukol o may kanser sa bahay-bata.

MAHALAGANG BABALA: Agad magpasuri sa barangay health worker kung ikaw ay may malakas na pag regla at:

  • Bumubulwak ang dugo sa iyong ari.
  • Ang pag regla ay malakas at tumatagal ng mga tatlong buwan.
  • Kung sa pag akala mo ikaw ay buntis.
  • Kung may kasamang matinding sakit ang at pagdurugo ng ari.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010221