Ano ang aking gagawin kung ako ay may mga palatandaan o sintomas ng STI o nasa panganib na magka-STI

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kung ikaw ay may mga palatandaan o sintomas ng STI, o sa tingin mo ay nasa panganib kang magka-STI, dapat agag magpagamot. Sa kasamaang palad, maraming lugar ang walang mga panuri para sa STIs, o kaya ay mahal, at hindi laging tama ang mga resulta. Ang pagkukulang ng mas murang gamit sa panuri ng mga STIs ay isang malaking problema para sa mga kababaihan. Maaari itong humantong sa pag-inom ng mga gamot ng mga kababaihang hindi nila kailangan, o hindi kayang bilhin, at maging sanhi ng side effects.

  • Ipagamot agad ang impeksyon.
  • Huwag hintaying lumala ang karamdaman. Ang pagpapagamot ay mapapangalagaan ka sa mas malubhang problema sa kalaunan, at miaiwasan ang pagkalat ng STIs.
  • Magpasuri kaagad kung maaari. Maaaring Ikaw ay mayroong ibang impeksiyon ng STI at walang itong sintomas o palatandaan.
  • Piliting isabahy ang iyong kapareha na magpasuri. Kung hindi siya magagamot, mahahawahan ka niya sa inyong muling pagtatalik. .
  • Gumamit ng proteksiyon kapag magtatalik. Maaaring mahawa ng isa pang STI o HIV kapag hindi mo pinangalagaaan ang iyong sarili.
  • Subukang magpasuri para sa HIV. Ang STI at HIV ay madalas magkasama.
  • Bumili at inumin ang lahat na ineresetang gamot. Kahit na ang iyong mga sintomas at palatandaan ay mawala na, hindi kayo magagamot hangga't hindi nagkakabisa ang gamot. Kung ang mga palatandaan ay hindi pa rin nawawala pagkatapos mainom ang lahat ng gamot, magpatingin sa health worker. Ang pananakit o ang vaginal discharge ay maaaring sanhi ng isa pang problema tulad ng kanser.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010507