Ano ang aking gagawin kung ako ay nagahasa
Ang karanasan ng bawat babaeng nakaranas ng pangagahasa ay naiiba. Ngunit mayroon ilang mga bagay na kailangan mong gawin para matulungan mo ang iyong sarili.
Una, tanungin mo ang iyong sarili ng mga katanungang ito:
Kailangan ng makakausap kung nalulungkot, nasaktan, natatakot, o nagagalit, na maaaring sumama sa iyo sa pagpapagamot, at upang tulungan kang mag-isip kung ano ang dapat mong gawin. Pumili ng mga taong may malasakit sa iyo, iyong pinagkakatiwalaan mong hindi ipagsasabi sa iba, at sino ang malakas at maaasahan. Minsan ang lalaking asawa o mga magulang mismo ay gulong-gulo para makapagbigay pa ng suporta.
Huwag mong sisihin ang iyong sarili. Hindi ka karapat-dapat na magahasa. Wala kang ginawa para maging tama ang pagpilitan ng lalaki ang sarili niya sa iyo.