Ano ang aking gagawin kung ako ay sexually assaulted

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kung kinaya ng babae labanan ang umatake sa kanya, siya ay makakaiwas sa panggagahasa, kahit pa ang manggagahasa ay mayroong sandata. Habang mas maraming paraan ang ginagawa ng babae upang makaiwas na magahasa, mas malamang na makaiiwas siya rito, o dumanas ng pinsala at problema sa kalusugan ng pangkaisipan mula man sa panggagahasa.

Imposibleng malaman agad kung ano ang magiging tugon ng babae mayroong nagtatangkang gumahasa sa kaniya. Ang ilang kababaihan ay napupuno ng galit at nakadarama ng lakas na hindi nila alam na mayroon pala sila. Ang iba naman ay hindi nakakagalaw. Kung ito ay mangyari sa iyo, tandaan mo na magagawa mo kung ano ang kaya mo.

Narito ang ilan pang makatutulong sa iyo sa oras ng sexual assault:

  • Huwag umiyak, magmakaawa, o pumayag. Ito ay karaniwang hindi makatutulong. Sa katunayan, ang mga babaeng sinubukang gawin ito nang madalas ay mas nagdurusa kaysa mga lumalaban.
  • Manatiling may alam. Panooring mabuti ang gumagahasa. May mga oras na hindi ka niya binabantayan o kung nawawalan siya ng kontrol.
  • Sumubok ng ibang bagay. Sipain, sumigaw, linlangin mo siya--- gawin mo kahit ano ang maisip mo para malaman niyang hindi ka madaling biktima. Subukan mong ipaintindi sa kanya na ikaw ay isang tao, hindi bagay.
  • Kung kilala mo ang manggagahasa, sabihin mo kung ano ang iyong nararamdaman. Huwag mo siyang hayaang maniwala na ang mga kababihan ay gustong nagagahasa. Ipaisip sa kaniya ng mga ginagawa niya sa iyo.
  • Kung ang manggagahasa ay hindi kakilala, kabisaduhin ang kanyang itsura. Gaano siya kalaki? Mayroon ba siyang mga peklat, marka, o mga tato? Anong uri ng damit ang suot niya? Subukan mong tandaan iyon para masabi mo sa mga pulis at balaan mo ang iba pang mga kababihan sa inyong pamayanan.
  • Kung marami ang taong gumagahasa sa iyo, o kung ang manggagahasa ay may sandata, ikaw ay makakalaban pa rin, nguni't kadalasan mas mabuting huwag na lang manlaban ng pisikal.
  • Gamitin mo ang iyong pinakamabuting pagpapasiya. Ikaw lamang ang makapagpapasya kung paano ka makakalaban, Sa ilang sitwasyong ng panggagahasa, halimbawa, sa digmaan, ang manggagahasa ay walang anumang dahilan para ikaw ay buhayin pa kung manlaban.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020312