Ano ang aking gagawin kung nakalimutan kong uminom ng pill
Kung nagmintis sa pag-inom ng pills, ikaw ay maaaring magbuntis.
Kung makalimot uminom ng isa o dalawang pills, uminom agad ng isa matapos maalala. Inumin ang susunod na pill sa tamang araw. Ito'y nangangahulugan na ikaw ay iinom ng 2 pills sa loob ng isang araw.
Kung makalimot sa pag-inom ng tatlong pills sa tatlong magkakasunod na araw, uminom agad ng isa. Pagkatapos ay uminom ng 1 pill bawat araw sa tamang araw.
Kung gumagamit ng 28-day packet, inumin lamang ng hormone pills at huwag ang sugar pills, at simulan ang hormone pills sa bagong pakete. Kung gumamagamit ng 21-day packet, simulan ang bagong pakete pagkatapos ng ginagamit sa kasalukuyan. Gumamit ng condoms (huwag mag-sex) hanggang nakainom na ng 7 araw na sunod-sunod.
Kung makalimot uminom ng mahigit sa 3 pills, itigil ang pag-inom at hintayin magkaroon. Gumamit ng condoms (o huwag makipag-sex) hanggang sa matapos ang iyong cycle. Simulan ang bagong pakete.
Ang huli o nagmintis na pag-inom ay maaaring magdulot ng kaunting pagdugo, katulad ng pahabol pag nagkakaroon.
Kung nagkakaproblema sa pag-alala ng pag-inom ng pills, subukang uminom kapag may ginawang pang-araw-araw na gawain, tulad ng paghain ng hapunan. O kaya, uminom ng pill kapag palubog na ang araw, o bago matulog. Ilagay ang pakete sa lugar na makikita mo araw-araw. Kung madalas ka pa ring makalimot (mahigit sa isang buwan), pag-isipan ang pagpalit ng pamamaraan ng birth control.
Kung magsuka sa loob ng 3 oras pagkatapos uminom ng pill o magkaroon ng matinding pagtatae, ang iyong birth control pill ay hindi mananatili nang matagal sa iyong katawan para gampanan ang nararapat. Gumamit ng condoms, o huwag mag-sex, hangga't hindi ka pa magaling o nakainom ng pills ng 7 days na sunod-sunod.