Ano ang dahilan ng pagkabaog ng isang lalaki

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga pangunahing sanhi ng pagkabaog sa lalaki ay:

1. Hindi siya nakakagawa nang sapat na bilang ng semilya. O ang kaniyang semilya ay hindi makalangoy papunta sa mga tubo ng babae para dumikit sa mga itlog.

2. Nagkaroon siya ng beke sa panahon ng kaniyang pagbibinata, nakasira ito sa kaniyang mga bayag. Maaari pa rin siyang labasan, ngunit wala itong kasamang semilya.

3. Hindi makalabas ang kaniyang semilya dahil mayroon siyang mga pilat sa kaniyang mga tubo na nanggaling sa STI.

4, Namamaga ang mga ugat sa kaniyang scrotum (varicocele). 


5. Suliranin sa pakikipagtalik dahil 
  • hindi tumitigas ang kaniyang ari.
  • ang kaniyang ari ay tumitigas pero hindi hindi tumatagal.
  • masyado siyang maaga labasan, bago pa man makapasok sa ari ng babae.

6. Malubhang sakit tulad ng diyabetis, TB, at malarya.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011203