Ano ang dapat kong gawin kung ako mismo ang nakakaramdam na gustong pagpapakamatay
Kung ikaw ay matagal ng nakakaramdam ng labis na pagkalungkot; pakiramdam na wala ng pag-asang natitira, wala ng paraan para maayos pa ang mga problema sa araw-araw, at wala ng natitirang kahalagahan para mabuhay pa, maaaring mak-isip na ang pagpapakamatay ang natatanging solusyon. Gayunpaman, nananatiling katotohanan na ang pagpapakamatay ay isang problema, hindi solusyon. Kahit na naiiisip mo na wala ng solusyon sa problema mo sa ngayon, hindi nangangahulugan na wala ng ibang solusyon at hindi mahahanap sa malapit na hinaharap. Ang ibig sabihin lang nito ay hindi pa nakikita ang solusyon ngayon, at kailangan lang kumapit sa buhay.
Isipin ito ng isang minuto: Nararamdaman mo ba na lagi mong ginagawa ang ginagawa mo ngayon? Malamang, may mga pagkakataon sa buhay mo na hindi mo masyadong napansin ang mga panahong hindi naman masama ang nangyayari, baka nga mas maganda pa. Hindi ba ito nangangahulugan na mayroong nagbago sa iyong buhay para ikaw ay malungkot? At kung dahil sa pagbabagong iyan ay nasaktan ka, hindi rin ba ibig sabihin nito na may darating na isa pang pagbabago na mag-aalis ng sakit na iyan? Kaya magtiis nang kaunti at darating ang panahon na magbabago at gaganda ang lahat. Ang buhay ay parang gulong ng saya at lungkot.
MAHALAGANG MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN:
Ang mga susunod ay maaaring makatulong sa iyo para malampasan ang pag-iisip na magpakamatay: