Ano ang dapat kong gawin sa mga STIs

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga STIs ay madaling makahawa sa marahas na paraan ng pagtatalik dahil may napupunit sa ari ng babae. Kapag ang lalaking nanggahasa sa iyo ay may STI, ito ay maipapasa sa iyo. Dahil hindi mo malalaman kung mayroon siyang STI, kailangan kang magpasuri para maiwasan ang impeksiyon at ang maipasa ito sa iba, kung sakali. Uminom ng gamot para sa gonorrhea, syphilis at chlamyda, at tingnan kung magkakaroon ng sintomas ng mga STIs. Inumin ang gamot kung maisip mo man o hindi kung wala kang impeksiyon.

Kakailanganin ding magpasuri para sa HIV. Sa mga lugar na kalat ang impeksiyon ng HIV, makabubuting uminom ng gamot na makakapigil nito, sa loob ng 24 hanggang 72 oras, pagkatapos ng pangyayari. Pumunta sa isang health worker na may pagsasanay sa ART para malaman kung anong gamot ang dapat para sa inyong lugar. Ang mga gamot ay dapat inumin sa loob ng 28 araw.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020318