Ano ang dapat kong kainin habang ako ay nagpapasuso
Ang mga Ina ay kailangang kumaing mabuti para makabawi mula sa pagbubuntis, para maalagaan ang kanilang mga anak, at para sa lahat ng trabaho na ginagawa nila. Kailangan nila ng maraming pagkain na mayaman sa protina, taba, at maraming prutas at gulay. Kailangan din nila ng maraming likido---malinis na tubig, gatas, halamang tsaa, at mga katas ng prutas. Bagamat kahit paano pa kumain at uminom ang isang babae, ang kanyang katawan ay makagagawa pa rin ng gatas.
Kumain at uminom ng sapat para mapawi ang gutom at uhaw. Iwasan ang alak, sigarilyo, droga at mga hindi mahalagang gamot. Ang malinis na tubig, at katas ng mga prutas at gulay, at gatas at halamang tsaa ay mas mainam kaysa kape at softdrinks.
Ang ibang tao ay naniniwala na ang mga bagong Ina ay hindi dapat kumain ng mga ibang pagkain. Pero kung hindi makakakuha ang Ina ng balanseng pagkain, maaari itong magdulot ng malnutrisyon, mahinang dugo o pamumuti ng pulang dugo, at iba pang sakit.
Kung minsan ang mga babae ay binibigyan ng espesyal na pagkain habang nagpapasuso. Ang ganitong kaugalian ay mabuti, lalo na kung ang pagkain ay masustansya. Ang mabuting pagkain ay nakatutulong para maging lalong mabilis lumusog at lumakas ang katawan ng babae pagkatapos manganak.
Ang isang babae ay nangangailangan ng dagdag na pagkain kung: