Ano ang dapat kong malaman sa pinagsamang pills birth control pills na may estrogen at progestin

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang birth control pills ay makapipigil sa iyong pagbubuntis kung iinom ka ng isang pill araw-araw. Marami at sari-sari ang tatak ng mga pinagsamang pills na may iba't-ibang uri ng estrogen at progestin at iba-iba rin ang dami ng hormone. Ang pinaka karaniwang combined pills na 'low-dose' pills na may 20, 30, o 35 micrograms (mcg) ng estrogen. Ang low-dose pills at mini pills ay magkaiba---low dose pills ay mayroong parehong estrogen at progestin, samantalang ang minipill ay progestin lamang. Huwag gagamit ng may nilalamang mahigit sa 50 mcg ng estrogen.

Ang mga combined pills ay karaniwang makukuha sa mga klinika ng family planning, health posts, botika, at sa mga health workers.

Kapag sinimulang uminom ng pills, dapat iyon lang ang tatak na iinumin (at kung kakayanin, bumili na agad ng maraming pakete nito). Kung magpapalit ng tatak, kumuha ng kaparehong pangalan ng hormones at lakas nito. Mas kakaunti ang side effects nito at para mas may proteksiyon.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020422