Ano ang dapat kong malaman tungkol sa condom para sa kalalakihan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang condom na para sa mga lalaki ay isang gomang supot na pahaba at manipis na sinusout ng mga lalaki sa kanilang mga ari tuwing makikipagtalik. At dahil ang semilya ay nananatili sa supot, ito ay hindi makakapasok sa loob ng katawan ng babae.

Ang condom ay mabisang proteksyon sa pagbubuntis. Ito ay pinakamabisa kung sasabayan ng gamit ng spermacide at pampadulas na water-based.

Ang condom ay walang side effects.

Ang condom ang pinakamabisang proteksyon laban sa STIs at HIV. Maari ito lang ang gamitin o kasabay ng ibang paraan ng family planning. Ang condom ay mabibili sa mga botika at mga pamilihang bayan, madalas na makukuha sa mga health posts o sa AIDS Prevention Programs.

Ang condom ay dapat isuot sa ari ng lalaki kapag ito ay matigas na, bago i makaabot sa ari ng babae. Kapag ikiniskis sa ari ng babae o kaya ay ipinasok na ito sa ari ng babae, maaring mabuntis at maari nyang mabuntis ang babae o mahawaan ng STI, kahit hinid nailabas ang semilya.

Kung napunit ang condom o nahubad ito, dapat maglagay kaagad ng spermicide ang babae sa kanyang ari. Kung maari gumamit ng emergency family planning. 

Tandaan:

  • Gumamit ng condom tuwing makikipagtalik.
  • Ang babaeng gumagamit ng ibang paraan ng family planning ay dapat ding gumamit ng condom kung kailangan niya ng proteksyon laban sa STI.
  • Hanggat't maari, gumamit ng condom na gawai sa latex. Ito ang nakapagbibigay ng pinakamagaling na proteksyon laban sa HIV. Ang mga condomns na gawai sa balat ng tupa ay maaring hindi makapagbibigay ng sapat na proteksyon laban sa HIV.
  • Itago ang condom sa tuyo at malamig na lugar na malayo sa araw. Ang condom na luma o punit ang balot ay madaling masisira.
  • Gamitin ang condom ng isang beses lamang. Ang gamit na condom ay malamang na mapunit na.
  • Itago ang condom sa lugar na madaling abutin. Mas tatamarin gamitin ang condom kapag kailangan mong tumayo at hanapin ito.
  • Sa simula, maraming mag-asawa ang ayaw gumamit ng condom. Ngunit kapag nasanay na sila, mas mapapahalagahan nila ito dahil maiiwasan ang hindi planadong pagbubuntis at pagkahawa sa STI. Halimbawa, ang condom ay nakatutulong patagalin ang lalaki bago sila labasan.
  • Ingatang hindi mapunit ang condom habang binubuksan ang balot. Huwag gamitin ang bagong condom kung punit ang balot o natuyo na, o kung ang condom ay matigas at malagkit na. Ang condom ay hindi na mabisa. Huwag banatin ang condom bago ito isuot.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020410