Ano ang dapat kong malaman tungkol sa kondom para sa mga babae pambabaeng kondom

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pambabaeng kondom, na kasya sa loob ng ari ng babae at nagtatakip sa labas ng ari, ay maaaring ilagay sa loob ng ari ng babae kahit kailang bago makipagtalik. Ito ay dapat gamiting ng isang beses lamang, dahil baka mapunit kung gamiting muli. Ngunit kung walang ibang kondom, maaaring linisin at gamitin ng hanggang 5 beses. Ang pambabaeng kondom ay hindi dapat gamit kasabay ng panglalaking kondom.

Ang pambabaeng kondom ay mas malaki sa mga kondom na gawa para sa mga lalaki at hindi masisira agad. Ito ay mabisa kung ang lalaki ay nasa ibabaw ng babae kapag nagtatalik.

Ang pambabaeng kondom ang pinakamabisa sa lahat ng mga paraang kontrolado ng mga babae sa pagbibigay-proteksiyon sa pagbubuntis at STIs, pati HIV. Mayroon na ngayong 3 uri ng pambabaeng kondom na mabibili. Ang mga pinakabago ang pinakamura. Ang VA female condom ay mas kasya sa katawan ng babae, kaya ito ay mas komportable at hindi maingay gamitin.

Ang pambabaeng kondom ay mabibili ngayon sa kakaunting lugar. Ngunit kung mas marami ang maghahanap nito, mas maraming programs ang magbibigay nito.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020412