Ano ang dapat kong malaman tungkol sa mga pagbabago sa kaanyuan at sakit na sanhi ng stress

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kapag ang tao ay nakararanas ng stress, ang katawan ay naghahanda na tumugon nang mabilis at lumaban sa stress. Ang ilan sa mga pagbabago na nangyayari ay:

  • Ang puso ay tumitibok nang mabilis.
  • Ang presyon ay tumataas.
  • Ang tao ay humihinga nang mabilis.
  • Ang pagtunaw ay bumabagal.

Kapag ang stress ay bigla at matindi, maaring maramdaman ng babae ang mga pagbabagong ito sa kaniyang katawan. Kapag ang stress ay nawala na, ang kaniyang katawan ay bumabalik sa normal. Ngunit kung ang stress ay hindi masyadong malubha o dahan-dahang nangyayari, maaring hindi niya mapansin kung ano ang nakakaapekto sa kanyang katawan, kahit na ang mga palatandaan ay nandoon pa.

Ang stress na nararanasan sa loob nang matagal na panahon ay maaring tumuloy sa mga karaniwang pisikal na sintomas ng pagkabalisa at matinding kalungkutan tulad ng sakit ng ulo, mga problema sa mga bituka, at kawalan ng lakas. Sa katagalan, ang stress ay maaari ring magdulot ng malalang sakit, tulad ng mataas na presyon na maaring tumuloy sa atake sa puso o stroke.

Maraming mga lugar ang kung saan ang mga problemang emosyonal ay hindi itinuturing na kasing halaga ng mga pisikal na problema. Kapag nangyayari ito, ang mga tao ay maaring magkaroon ng mga pisikal na sintomas ng pagkabalisa at matinding kalungkutan, kaysa ibang mga sintomas. Bagamat mahalagang hindi baliwalain ang mga pisikal na sintomas, mahalaga ring bigyan-pansin ang mga emosyonal na sanhi ng sakit.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011511