Ano ang dapat kong malaman tungkol sa pag-ulit ng karahasan
Ang unang pangyayari ng karahasan ay maaaring magmistulang isang bihirang pangyayari lamang. Nguni't kadalasan, pagkatapos ng unang pangyayari ng karahasan ay mangyayari ang mga sumusunod:
Mangyayari ang karahasan: panununtok, pananampal, pananakal paggamit ng mga bagay ng nakakasakit, pang-abusong sekswal, pagbabanta at pang-aabuso sa salita.
Pagkatapos ng isang marahang pangyayari ay huhupa ito: Maaaring itanggi ito ng lalaki, humingi ng kapatawaran, o mangakong hindi na ito muling mangyayari.
Unti-unting mamumuo ang tensiyon: galit, pagtatalo, sisihan, pang-aabusong sa pananalita.
Muling mangyayari ang karahasan. . .
Habang nagpapatuloy ang karahasan, ang panahong ng katahimikan ay paigsi nang paigsi. Habang ang kalooban ng babae ay humihina, ang kapangyarihan sa kaniya ng lalaki ay lumalakas na hindi na niya kailangang mangako na maaayos pa ang sitwasyon.
Mas ginugusto pa minsan ng ibang babae na mangyari na lang agad ang karahasan, para matapos na ito kaagad, at humupa na ang galit.