Ano ang dapat kong malaman tungkol sa pagbubuntis at panganganak

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Bawat babaeng buntis ay nangangailangan ng mabuting kalusugan, masustansyang pagkain, at pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya at komunidad. Maraming kababaihan ay nakakaramdam ng malusog na pangangatawan habang sila ay nagbubuntis kaya hindi mahirap ang kanilang panganganak. Karamihan sa mga sanggol ay malusog pagkapanganak.

Samantala, ang pagbubuntis ay isa lamang sa mga panganib na hinaharap ng mga kababaihan sa kanilang buhay. May itinatayang kalahating milyong kababaihan ang namamatay taun-taon dahil sa mga problema sa pagbubuntis at panganganak (maternal mortality), karamihan sa mga ito ay nangyayari sa mga mahihirap na bansa.

Maiiwasan ang mga ganitong sanhi ng kamatayan sa pamamagitan ng tamang pangangalaga. Ang kabanatang ito ay may mga impormasyon na makakatulong sa mga buntis kung pano nila pangalagaan ang kanilang sarili o tumulong sa iba para sila ay pangalagaan.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010702