Ano ang dapat kong malaman tungkol sa panggagahasa ng hindi ko kilalang tao

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ito ang uri ng sexual assault na iniisip ng karamihan ng tao kapag narinig nila ang salitang 'rape'. Ang isang babae ay maaaring hilahin sa kalsada o gahasain sa loob ng kaniyang bahay. Ang ganitong uri ng rape ay nakakatakot, ngunit hindi ito karaniwan tulad ng rape ng isang taong kakilala ng babae.

Gang rape Ang babae ay maaaring ma-rape ng higit sa isang lalaki. Minsan, sinisimulan ng isang lalaki ang panggagahasa at makikita ng ibang lalaki at makikisali. O kaya'y minsan naman, ang mga batang lalaki ay nagsasama-sama at manggagahasa ng babae para patunayan ang kanilang 'pagkalalaki' sa isa't-isa.

Panggagahasa sa bilangguan Maraming mga babae ang ginagahasa ng mga pulis o bantay ng preso kapag naaresto sila. Ang mga lalaking preso rin ay ginagahasa upang ipaalam sa kanilang kung sino ang makapangyarihan.

Digmaan Ginagahasa at tinatakot ng mga sundalo ang mga kababaihan at ang kanilang pamayanan, para ipahiya ang mga tao. Maaaring mang gang rape ang mga sundalo sa harap ng pamilya ng kanilang ginagahasa para ipakita ang kapangyarihan sa kalaban. Ang mga babae ay maaaring dalhin sa kampo, at piliting mag-prostitute o sex slave para manatiling buhay, para ligtas ang kanilang mga anak, o makakuha ng pagkain. Ang rape ay isang anyo ng pagpapahirap kapag ginagamit sa digmaan.

MAHALAGA: Ang mga nakaligtas sa war rape ay nangangailangan ng ispesyal na pangangalaga. Maaaring kakailanganin niya ng operasyon dahil sa matinding pagkasira ng kanyang ari. Kung ang babae ay nabuntis, maaaring magdusa siya at ang kanyang anak bilang alalala ng panggagahasa ng kalaban.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020306