Ano ang dapat kong malaman tungkol sa spermicide contraceptive foam tablets jelly o cream

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang spermicide ay maraming anyo---foam, tablets, at cream o jelly---at inilalagay into sa loob ng maselan bahagi ng babae bago makipagtalik. Ang spermicide ay pumapatay sa mga inilalabas ng lalaki bago makarating sa matris.

Ang spermicide ay hindi masyadong mabisa, kung ito lang ang gagamitin, hindi tulad ng ibang paraan, Ngunit ito ay makatutulong kung pagdagdag-proteksiyon sa ibang gagamiting paraan, tulad ng diaphragm o condom.

Ang mga spermicides ay mabibili sa maraming botika at pamilihan. Ang ibang babae ay nakararanas ng pangangati o iritasyon sa loob ng maselang bahagi.

Ang mga spermicides ay hindi nagbibigay-proteksiyon sa STI. Dahil ang spermicides ay nakaka-irita ng loob ng maselang bahagi ng babae, maaaring magdulot ito ng mga hiwa na maaaring mas madalling madaanan ng HIV papunta sa dugo.

Kailan isusuot ang spermicide:

Ang mga tableta o suppository ay isinusuot o ipinapasok sa loob ng maselang bahagi mga 10 hanggang 15 minuto bago magtalik. Ang foam, jelly o cream ay mabisa kung ilalagay sa loob ng maselang bahagi bago magtalik.

Pagkalipas ng isang oras pagkatapos magtalik, magdagdag ng spermicide. Magdagdag ng bagong tableta, suppository, o foam, , jelly o cream tuwing magtatalik.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020416