Ano ang dapat kong malaman tungkol sa suicide o pagpapakamatay
Ang sadyang pagkitil o pagpatay sa sarili dahil sa ayaw nang mabuhay, ay tinatawag na suicide. Tinatayang nasa isang milyong buhay ang natatapos dahil sa pagpapakamatay taon-taon, sa buong mundo. Ibig sabihin nito, mayroon, kung saan mang bahagi ng mundo, ay nagpapakamatay bawat 40 segundo. Bilang karagdagan sa numerong ito, mayroong mga 20 million tangkang pagpapakamatay bawat taon--at nadadagdagan pa.
Ang mga tunay na bilang ay mahirap makuha, dahil maraming mga pamilya ang hindi ipinaalam ang totoong dahilan ng pagpapakamatay, sa takot na puntahan ng mga pulis, at/o dahil baka masira ang kanilang reputasyon.
Habang bumababa ang bilang ng mga nagpapakamatay sa mga mayayamang bansa, nakababahala naman ang pagtaas ng bilang nito sa mga mahihirap na bansa.
Ang mga maaaring dahilan sa nakakabahalang pagtaas ng bilang nito ay ang: