Ano ang dapat kong malaman tungkol sa ubo sipon at sa ibang mas malubhang sakit
Ang ubo, sipon, namamagang lalamunan at tumutulong sipon ay karaniwan sa buhay ng mga bata. Kadalasan, ang mga ito ay hindi dapat ikabahala.
May ibang pagkakataon na ang ubp ay masamang palatandaan ng malubhang sakit, tulad ng pneumonia o tb. Ang isang bata na mabilis ang paghinga o nahihirapang huminga ay maaaring may pulmonya, isang impeksyon sa baga. Ito ay isang nakamamatay na sakit. Ang bata ay nangangailangan ng agarang paggamot mula sa isang sinanay na health worker, na maaari ring magbigay ng isang referral sa isang health facility.
Ang pulmonya ay ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga batang babae at lalaki na nasa eda 5 pababa, na kadalasang sinusundan ng diarrhea. May mga 2 milyong bata ang namamatay sa pulmonya taon-taon. Mas marami pang namamatay na mga bata sa pulmonya kaysa pinagsamasamang AIDS, malarya, at tigdas. Ang Isa sa bawat limang pagkamatay ng mga bata sa edad na 5 pababa ay sanhi ng respiratory infection na ito.