Ano ang dapat kong paghandaan kung ako ay aalis

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang Kaligtasan Ang pinakdelikadong oras para sa babae ay pagnakaalis na. Nawalan na ng kontrol ang lalaki sa kaniya, at kadalasang gagawin ang lahat mapabalik lamang siya. Maaari pa ngang subukang gawin ang kaniyang bantang pagpatay sa kaniya. Kailangang siguraduhing siya ay nasa ligtas na lugar at hindi alam ng kaniyang asawa kung nasaan tio o kung saan siya pinangangalagaan. Hindi niya dapat sabihin kahit kanino kung saan siya tumutuloy. Baka mapilit sila ng lalaki para maituro ang kinalalagyan niya.

Ang mamuhay mag-isa Kailangang humanap ng paraan para masuportahan ang sarili at ang iyong mga anak. Kung maaaring makituloy sa iyog mga kaibigan o pamilya, gamitin ang oras na iyon para mag-aral o matuto ng ibang kaalaman sa trabaho. Para makaipon ng pera, baka pwedeng makihati sa bayad sa isang tirahan na may kasamang babaeng inabuso rin.

Ang Pakiramdam Ang lahat na kailangang gawin para makapagsimula nang panibago ay magiging parang mahirap gawin. Maaaring makaramdam ng takot at pagkalungkot dahil hindi sanay sa pagiging mag-isa sa isang kakaibang lugar. Maaaring nangungulila sa asawa----anuman ang ginawa niya sa iyo, Kapag ang lahat ay mukhang mahirap, hindi mo maaalala kung gaano kalalal bago ka umalis. Bigyan ng panahon ang sarili para malungkot sa pagkakahiwalay sa iyong asawa at ang iyong dating buhay. Piliting maging malakas. Subukan humanap ng ibang babaeng nasa parehong kalagayan. Maaari ninyong suportahan ang isa't-isa.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020119