Ano ang kanser

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang kanser ay isang malalang sakit na nakakaapekto sa ibat- ibang parte ng kalusugan. Kung maagapan, ito ay nagagamot, ngunit kung ito ay mapabayaan, maaaring ikamatay. Maraming mga taoang nagkasakit nito atang ikinamamatay ito, lalo na nag mga walang masyadong paraang makapagpagamot.

Lahat ng nabubuhay na bagay, kabilang na ang katawan ng tao, ay may mga maliliit na cells na makikita lamang sa microscope. Kung minsan ang mga cells na ito ay nag-iiba at lumalaki sa abnormal na paraan, at nagiging tumor. May mga tumor na kusang gumagaling at nawawala. Subalit may mga lumalaki, kumakalat at nagiging sanhi ng sakit, ang karamihang tumor ay hindi nagiging kanser, pero may iba naman na tumutuloy sa pagiging kanser.

Ang kanser ay nagsisimula kung ang paglaki ng isang cell ay hindi na makontrol sa katawan ng tao. Kung ang kanser ay maagapan, ito ay natatanggal sa ng operasyon, gamot o radiation. At may malaking tsansa na ito ay gumaling. Subalit kung ang kanser ay kalat na sa katawan, ang paggamot nito ay mahirap at nagiging imposible na ang paggaling.

Ang kanser sa cervix, suso, at matris ang pinakaraniwang kanser ng mga babae. Ang iba pang karaniwang kanser sa parehong babae at lalaki ay ang kanser sa baga, bituka, atay, tiyan, bibig at balat.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011402