Ano ang karaniwang hindi napagkakasunduan sa mga biyenan
Sa maraming bansa, kapag ikinasal ang mga babae, sila ay inaasahang iwan ang kanilang pamilya para tumira na sa pamilya ng asawa. Para sa karamihan ng mga batang kababaihan, ang paghihiwalay ay nagdudulot ng kalungkutan dahil sila hindi lamang nangungulila sa kanilang mga magulang at mga kapatid, kundi nakakaramdam ng pagkalungkot, nakabukod o walang suporta sa kaniyang mga biyenan.
Ang kahirapan, kasama ang kaugalian at tradisyon sa mga mahihirap na bansa, ay kadalasang nagtutulak sa mga kamag-anak na tumirang magkakasama sa isang bubong. At ang mga batang mag-asawa ay napipilitang mamuhay ayon sa paniniwala at kaugalian ng kanilang mga magulang at pati na ang mga lolo at lola.
Sa ganitong pangyayari, ang batang babae ay mahihirapan sa pakikitungo sa kaniyang mga biyenan, at ang mga biyenan ay maaaring makialam sa buhay nilang mag-asawa. Ang ilang karaniwang halimbawa ng pangingialam na maaaring maranasan ay ang:
- pag insulto o panunuya sa kaniya - pananakit sa kaniya - hindi pagpapakain sa kaniya - hindi payagan lumabas ng bahay o makipagkita kahit kanino - hindi payagan dumalaw sa kaniyang mga magulang - hindi pinakakausap sa mga dumadalaw sa kaniya galing sa kaniyang partido - hindi pinapakita sa kaniya ang kaniyang mga anak