Ano ang karaniwang hindi pinagkakasunduan sa mga anak
Marami ang mga bansa kung saan ang mga kaabaihan ay hindi gaanong pinapahalagahan o iginagalang ng kanilang pamilya. Maraming mga pamilya, lalo na sa mga developing countries, ang mas gusto ang mga lalaki kaysa mga babae, dahil ang mga lalaki ang siyang inaasahang magbigay ng suporta sa kanilang mga magulang hanggang sa kanilang pagtanda. Kaya ang mga pamilya ay mas bibigyan ng health care at edukasyon ang mga lalaki kaysa mga babae. Marami sa mga kababaihan ang hindi na sang-ayon sa ganitong paniniwala; nais nila nang mas magandang buhay para sa kanilang mga anak na babae. Handa silang humarap sa hamon ng pagbabago ng mga kasalukuyang paniniwala at gawain, at gusto nilang makipag-usap sa kanilang mga asawa tungkol sa pantay na pagtingin sa mga anak, lalaki man o babae.
Dahil sa malawakang paniniwala na ang mga babae ay pabigat sa kanilang mga pamilya at sa lipunan, at bagama't ito ay ipinagbabawal ng batas saan mang bahagi ng mundo, marami pa ring mga pamilya ang pinipilit ipalaglag kapag babae ang sanggol. Unti-unti ring pinapatay ang mga batang babae sa pamamagitan ng hindi pagpapakain at hindi pagbibigay ng ibang mahahalagang bagay tulad ng health care. Halimbawa, sa India, merong mga 750, 000 na babae ang ipinalalaglag taon-taon, kaya napakahirap para sa mga ina na iligtas ang mga batang babae.
Ang obligasyon sa mga babae sa developing countries na magkaanak ng lalaki ay napakabigat, at ang mga babaeng hindi nakatutupad nito ay minamaltrato ng kanilang asawa, kamag-anak o ibang miyembro ng pamilya; pinahihirapan din sila o di kaya'y pinalalayas. Ito ang paraan para sila ay makaramdam na sila ay may kasalanan, at ang kanilang katayuan sa pamilya ay lalong ibinababa.