Ano ang karaniwang hindi pinagkakasunduan sa mga dapat gampanan sa buhay mag-asawa

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa pangkalahatan, ang pagkakaroon ng trabaho o pagkakakitaan ay napakahalaga at nagbibigay ng positibong pakiramdam sa mga kababaihan----ang pagkakaroon ng sarili nilang pera ay nagdudulot sa kanila ng mas malakas na kakayahan, karagdagang kalayaan, mas mataas na kalagayan sa lipunan, at mas maraming makakahalubilo.

Kung ang mag-asawa ay parehong nagtatrabaho, ang pamilya ay mas maraming kita at mas may magandang kalagayan sa buhay. At ikatutuwa ng maraming babae ang pagkakaroon ng trabaho at responsibilidad sa panggastos para sa kanilang pamilya. Subali't mayroong mga lalaki na hindi gusto na ang kanilang mga asawa ay may lakas ng loob at mas may kakayahan sa pera.

Sa maraming bansa at kultura, ang pagtatrabaho ay pinaniniwalaang responsibilidad lamang ng lalaki. Kaya nag-aalala ang ibang lalaki sa pagkakaroon ng trabaho ng kanilang asawa dahil baka mawala ang kanilang mataas na posisyon sa loob ng tahanan. At hindi sila masayang mabago ang karaniwang papel at pag-uugali ng mga kababaihan na inaasahan ng lipunan.

Minsan, mayroon din silang takot na baka sila ay iwan or pagtaksilan ng kanilang asawa habang nasa trabaho. Ang ibang lalaki ay naniniwala na ang mga babae ay hindi dapat umaalis ng tahanan para magtrabaho; iniisip nilang ang mundo sa labas ng tahanan ay maaaring sumira sa kanila, o kaya'y hindi nila kayanin ang matutunan dito.

Kapag ang babae ay kumikita ng sariling pera, kadalasang inaasahan niya ang paggalang at pagkilala ng kaniyang kakayahan sa loob ng pamilya. Gugustuhin niya, halimbawa, na magkaroon siya ng makabuluhang partisipasyon sa pagpapasya sa loob ng tahanan (kung saan gagastusin ang pera ng pamilya). Maraming kalalakihan ang hindi gusto ang ganitong patakbo, at mas gusto nilang sila ang sinusunod ng walang sasalungat.

Ang ganitong uri ng alitan ay maaaring maging problema ng mag-asawa.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil021005