Ano ang karaniwang hindi pinagkakasunduan sa pamilya

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang makabagong panahon ay nagdala ng maraming pagbabago sa tradisyonal na pag-uugali at mga pinahahalagahan sa maraming bansa. Ang pagiging mabuting asawa at ina ay itinuturing pa ring napakahalaga ng nakararaming kababaihan (at ng kanilang mga pamilya). Ngunit sa panahon ngayon, marami na sa mga kababaihan ang ayaw nang basta nasa bahay na lang at mag-askikaso ng mga gawaing bahay at umintindi ng mga nangyayari sa pamilya- gusto rin nilang magtrabaho at kumita ng pera. Ang ganitong pangyayari ay makadaragdag sa dami ng mga gawain ng mga kababaihan, at kadalasang nagiging mahirap para sa kanila ang mamuhay nang mapayapa at makiisa kasama ang asawa, mga anak at iba pang miyembro ng pamilya.

Ang kadalasang dapat harapin ng mga kababaihan ay kung paano makitungo sa kanilang mga asawa at mga biyenan.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil021002