Ano ang karaniwang hindi pinagkakasunduan tungkol sa sex
May mga kalalakihang ayaw mag family planning ang kanilang asawa. Kadalasan, ito ay dahil sa hindi nila masyadong naiintindihan ang iba't-ibang paraan nito. Maaring dahilan din ang pag-aalala nila sa kalusugan ng kanilang mga asawa dahil sa mga naririnig nilang panganib na kaakibat ng family planning. May takot din ang ibang lalaking baka makipag-sex sa iba ang kanilang asawa, o di kaya naman, ay mas "macho" ang pakiramdam kug marami ang anak.
Ang arranged marriages o mga pinagkasundong mag-asawa ay karaniwang nangyayari pa rin sa maraming bansa. Ang bride and groom ay walang masyadong karapatan sa mga pangyayari. Pagkatapos ng kasal, madalas na ang young bride ay nakahiwalay sa kanilang mga pamilya. Sa maraming pamayanan, ang babae ay nagiging pag-aari ng lalaki pagkatapos ng kasal, at pinaniniwalaan niyang maaari nang gamitin ng lalaki ang kaniyang katawan para sa sariling kaligayah, sa anumang oras naisin.
Sa ganitong kalagayan, maraming babae ang nahihirapang mahalin ang kanilang asawa at masiyahan sa kanilang pagtatalik. Sa halip ay napipilitan lamang silang makipagtalik sa isang taong hindi nila masyadong kakilala o hindi gusto. Maaaring tanggihan nila ang kanilang asawa, o maghahanap ng dahilan para hindi sila makipagtalik. Kapag nangyayari ito, nagagalit ang asawa at pipilitin silang makipagtalik, na hahantong lamang sa paulit-ulit na pag-ayaw at pagtanggi sa kanilang asawa.
Mayroon ding mga kalalakihang nag-iisip na may karapatan silang makipagtalik sa ibang babeng kanilang naisin, ngunit ang kanilang mga asawa ay kanila lamang.