Ano ang karaniwang sexually-transmitted infections o STIs
Hindi normal na discharge: Ang pag-iiba sa dami, kulay o amoy ng lumalabs sa ari ay nagpapahiwatig minsan ng impeksiyon, nguni't mahirap malaman kung anong uri ito ng impeksiyon.
Trichomonas: Ang trichomonas ay isang napaka-uncomfortable na STI na nagdudulot ng masamang amoy na lumalabas sa ari, pamumula at pangangati ng ari, at masakit na pag-ihi. Ang mga lalaki ay karaniwang walang sintomas, nguni't dala nila ito sa kanilang ari, at makahahawa sila sa babae sa kanilang pagtatalik.
Galis at kuto: Ang pangagati sa buhok ng ari o sa lugar na malapit sa ari, ay maaaring dahil sa galis o kuto.
Gonorrhea at chlamydia: Ang gonorrhea at chlamyda ay parehong malubhang STIs, nguni't madaling gumaling kung magagamot agad. Kung hindi, ito ay maaaring magdulot ng malalang impeksiyon at pagkabaog sa parehong babae at lalaki.
Kulugo o mga tumutubo sa ari: Ang kulugo ay dulot ng virus. Ang mga kulugo sa ari ay katulad din ng mga kulugo na tumutubo sa ibang bahahgi ng katawan. Maaaring magkaroon ng kulugo sa ari ngun't ito ay hindi alam, lalo na kung ito nasa loob ng ari.
Sugat sa ari (genital ulcers): Kadalasan sa mga sugat o genital ulcers ay nakuha sa pagtatalik. Mahirap malaman kung anong sakit ang dahilan ng sugat dahil ang sugat na dulot ng syphili at chancroid ay magkahawig.
Syphilis: Ang syphilis ay isang malubhang STI na may epekto sa buong katawan at maaaring tumgal ng maraming taon. Ang sanhi nito ay isang bacteria at maaaring gumaling kung magagamot agad. Kung hindi magagamot, maaaring magkasakit sa puso, pagkalumpo, sakit sa pag-iisip, at kahit kamatayan.
Chancroid: Ang chancroid ay isang STI na sanhi ng isang bacteria. Ito ay magdudulot ng isa o mas maraming malalambot nguni't masasakit na sugat sa ari o sa puwit na madaling magdugo, pamamaga at masakit na glands (lymph nodes, bubos) na maaaring maging tumubo sa singit, at sinat.
Gential herpes: Ang genital herpes ay isang STI na sanhi ng isang virus. Nagdudulot ito ng maraming sugat sa ari o sa bibig na mawawala at babalik sa loob ng maraming buwan o taon. Ito ay makating-masakit sa lugar ng ari o hita, at nagiging maililiit na paltos na pumuputok at nagiging sugat sa paligid ng ari.
HIV infection: Ang HIV, ang virus na nagdudulot ng AIDS, ay kadalasang nakukuha kapag nagtatalik ng walang proteksiyon. Ito ay naikakalat ng lumalabas sa ari ng lalaki at babae, o dugo mula sa isang taong may HIV. Mas madaling maipasa ang virus kung may sugat sa ari. Ang lumalabas sa ari ng taong may STI ay marami ang dala-dalang HIV. Ang mga babae ay mas madaling mahahawa kaysa mag lalaki sa pagtatalik. Maaaring mahawa ng HIV sa isang taong mukhang malusog.
Hepatitis B (Paninilaw) Ang Hepatitis B ay isang delikadong impeksiyon na dulot ng isang virus na makapipinsala sa atay. ito ay madaling mailipat sa ibang tao, lalo na sa pakikipagtalik. Ang mga sintomas nito ay pagkakaroon ng lagnat, pagkawala ng ganang kumain, pagkapagod at panghihina, madilaw na mata at/o balat, pananakit sa puson, ibang kulay ng ihi, at maputing dumi.
Tandaan, kapag ginagamot ang STIs, laging: