Ano ang maaari kong gawin upang bumuti ang aking pakiramdam sa panahon menopos menopause

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang menopos ay normal na bahagi sa buhay ng isang babae. Bagama't ang mga babae ay mindang hindi komportable pag nag-menopos, ang karamihan ay bumubuti ang pakiramdam sa pagsasagawa ng mga pababago sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain at pagkain.

Noon, ang may nag-rerekomenda ng mga gamot na may estrogen at progesterone upang mapawi ang pinakamatitinding sintomas ng menopos. Ito ay tinatawag na "Hormone Replacement Therapy" (HRT). Sa kasamaang-palad, napag-alaman na ngayon na ang HRT ay nakapagpapataas ng panganib ng kanser sa suso, sakit sa puso, mga pamumuo ng dugo at stroke. Kaya nakabubuting iwasan ang mga gamot na ito.

Kung nagkakaroon ka ng mga palatandaan na nagdudulot ng pakiramdam na hindi komportable, subukang gawin ang mga sumusunod:

Magsuot ng mga damit na madaling mong mahuhubad kapag pagpawisan.

Iwasan ang maiinit at maaanghang na pagkain o inumin. Maaaring maging sanhi ang mga ito ng hot flashes.

Huwag masyadong iinom ng kape o tsaa. May taglay na "caffeine" ang mga ito na maaaring makapagpanerbiyos sa iyo at mapigilan kang matulog.

Regular na mag-ehersisyo.

Kung umiinom ka ng alak, uminom lamang nang kaunti. Maaaring mapataas ng alak ang pagdurugo at ang hot flashes.

Itigil ang paninigarilyo o pagnguya ng tabako. Maaari itong maging dahilan ng hindi pangkaraniwang pagdurugo at makapagpalala ng mga problema sa mahinang buto.

Ipaliwanag sa iyong pamilya na maaaring maging madaling magpabagu-bago ang iyong mga damdamin. Maaari ring makatulong na talakayin ang iyong mga nararamdaman kasama ang iba pang kababaihang dumaranas ng menopos.

Magtanong tungkol sa mga tradisyonal na lunas na ginagamit sa iyong pamayanan. Kadalasan, ang mga kababaihang nakaranas na ng menopos ay may alam na mga pamamaraan na makatutulong upang mapabuti ang iyong pakiramdam.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010903