Ano ang maaaring sanhi ng pagkabaog ng isang babae
Ang mga nangungunang dahilan ng pagkabaog sa isang babae ay ang:
1. Mayroon siyang scarring sa loob ng kaniyang mga tubo o matris. Ang scarring sa tubo ay nakapipigil sa itlog para gumalaw sa loob ng tubo, o para makalangoy papunta sa itlog. Ang scarring sa matris ay pumipigil sa fertilized egg na dumikit sa wall ng matris. Minsan, ang babae ay nakakakuha ng scarring nang hindi niya nalalaman, dahil hindi niya nararamdamang may sakit siya. Pagkatapos ng ilang taon, malalaman na lang niya na baog siya.
Ang scarring ay sanhi ng:
2. hindi nakagagawa ng itlog (no ovulation) ang babae. Ito ay dahil sa ang katawan ng babae ay hindi nakagagawa ng sapat na hormones sa tamang panahon. Kung ang kanyang buwanang dalaw ay mas maliit sa 25 araw ang pagitan, o mas higit sa 35 araw ang pagitan, maaaring mayroon siyang problema sa ovulation. Kung minsan, ang babae ay hindi rin nakagagawa ng itlog kung siya ay mabilis na magbawas ng timbang or kung siya ay masyadong mataba.
3. Mayroong tumutubo sa kaniyang matris (fibroids). Ang fibroids ay nakakapigil sa pagbubuntis, o pinapahirap ituloy ang pagbubuntis.
4. Mga sakit na tulad ng diyabetis, TB, at malarya ay nakapagpapabaog din sa babae.
Ang mga paraan ng family planning ay madalas dahilan ng pagkabaog. Ngunit ang mga pamamaraan ng family planning (maliban sa sterilization) ay hindi sanhi ng pagkabaog sa maliban na lang sa ibang pagkakataon kung ang IUD ay hindi nailagay nang tama, at nagdulot ng impeksiyon sa matris o sa mga tubo.