Ano ang maari kung gawin para mabawasan ang pananakit na dulot ng buwanang dalaw o regla

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa araw ng buwanang dalaw, pagdurugo o regla, pinipiga ng sinapupunan ang "lining" o ang parang sapin ng bahay-bata. Ang pagpiga ay nakakapagdudulot ng sakit sa puson o sa baba ng balakang na kung minsan ay tinatawag na pulikat. Ang sakit ay maaring mag umpisa bago ang pagdurugo o pagkatapos na mag umpisa ang pagdurugo.

Ano ang mga dapat gawin:

  • Haplusin o hilotin ng dahan dahan ang iyong puson. Ito ay nakakatulong para makapagpahinga o ma relax ang mga kalamnan.
  • Punuin ng mainit na tubig ang isang bote na gawa sa plastik o anumang maaring lalagyan, at idampi sa iyong puson o balakang. Maari rin gumamit ng makapal na tela na itinubog sa mainit na tubig at matapos pigaan ay idadampi sa masakit na parte ng katawan.
  • Ang pagdiin sa malambot na bahagi sa pagitan ng iyong hinlalaki at unang daliri ay makaktulong para maibsan ang sakit.
  • Uminom ng tsa'a mula sa dahon ng prabuwesas o raspberry, luya (salabat), o mansanilya. May mga kababaihan sa iyong komunidad na maaring may alam na ibang uri ng tsa'a o solusyon para mabawasan ang ganitong klase ng sakit.
  • Ipagpatuloy pa rin ang mga pang araw-araw na gawain.
  • Subukang mag ehersisyo at maglakad-lakad.
  • Uminom ng gamot para sa sakit. Ang Ibuprofen ay mabisang gamot para sa sakit na dulot ng buwanang dalaw o pagdurugo o regla.
  • Kung ikaw ay nakararanas ng malakas na pagdurugo at wala ng epektibo pa, ang pag inom ng mababang dosis ng birth control pill sa loob ng anim hanggang labindalawang buwan ay maaring makatulong.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010218