Ano ang mabuting nutrisyon

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mabuting nutrisyon ay ang pagkain ng sapat at ng tamang uri ng pagkain para sa katawan upang lumaki, maging malusog, at makalaban sa sakit.

Karamihan sa mundo, maraming tao ang kumakain ng isang pangunahing murang pagkain lamang kada oras ng pagkain. Depende sa rehiyon, ito ay maaaring kanin, mais, trigo, kamatong kahoy, o patatas. Itong mga panunahing pagkain na ito ay kadalasang kailangan ng katawan sa araw-araw.

Ang mga pangunahing pagkain na ito kung sila lamang ay hindi sapat para mapanatiling malusog ang tao. Ang ibang mga katulong na pagkain ay kailangan para magbigay ng protina (na tumutulong sa pagbuo ng katawan) bitamina at mineral (na tunutulong magprotekta at mag kumpuni ng katawan) at taba at asukal (na nagbibigay lakas).

Ang pinaka masustansyang pagkain ay mayroong ibat ibang uri ng pagkain, kasama ang mga pagkaing may protina, at mga prutas at mga gulay na mayaman sa bitamina at mineral. Kailangan mo lang ng kaunting taba at asukal. Ngunit kung ikaw ay may problema sa pagkuha ng tamang pagkain, mas makabubuti na kumain ng mga pagkain na may asukal at taba kesa kumain ng kaunti.

Ang babae ay hindi kailangang kumain ng lahat ng pagkaing masustansya na nakalista dito. Maaari siyang kumain ng mga pangunahing uri ng pagkain na nakasanayan na niya at magdagdag lamang ng mga pagkaing nakatutulong na mayroon sa kanilang lugar.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010403