Ano ang madalas na hindi pinagkakasunduan sa mga gawaing-bahay

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa maraming bansa, ang mga babae lang ang may responsibilidad sa pamamahay.

Ang mga kababaihan ang nag-aalaga ng kanilang mga asawa, biyenan o iba pang kamag-anak, ng kanilang mga anak, ng may sakit, at ng mga matatanda. Nag-iipon sila ng mga panggatong, inumin, nagluluto, naglalaba, naglilinis, nagtatanim, nagsasaka at madalas, nag-aalaga ng anumang hayop ang pag-aari ng pamilya.

Ang kakulangan sa mga childcare facilities at/o serbisyong pangkalusugan sa maraming bahagi ng mundo ay nangangahulugang ang pag-aalaga ng pamilya, dagdag pa sa kaniyang mga gawaing-bahay, ay umuubos ng oras, at pumipigil sa kaniyang kakayahang maghanap ng trabaho.

Ang mga "gawaing-bahay" ay isang malaking pabigat para sa isang babaeng malakas at malusog at may isang buong araw para gugulin sa mga gawaing ito. Masidhi ring napipipigilan ng mga ito ang kakayahan ng babae para maghanap ng trabaho. Ang dami ng trabaho ay hindi kakayanin ng babae kung siya ay mahina o may sakit.

Kapag ang mga babae ay humingi ng tulong sa kanilang mga asawa, kadalasang tinatanggihan ito sa dahilang ang mga "gawaing -bahay" ay itinuturing na "gawaing-pambabae"---kahit na ang mga babae ay nagtatrabaho sa labas ng bahay para tumulong sa pangsuportang pinansiyal sa pamilya.

Nakita sa mga pag-aaral sa mga babae sa mga developing countries, na karaniwang higit sa tatlong oras araw-araw nagtatrabaho ang mga babae kaysa mga lalaki, ng mga gawaing walang bayad, tulad ng mga gawaing-bahay, pag-aalaga ng kanilang mga anak at mga matatandang kamag-anak na nasa bahay. Ipinakita rin sa pag-aaral na ang mga babaeng may mga maliliit pang mga anak, ay mahihirapang gampanan ang anumang pangangailangan sa kanilang oras.

Sa kalaunan, bagama't sa maraming bansa ang mga babae ang namamahala sa pagsasaayos ng kabahayan, nag-aaalaga ng mga anak at mga matatanda, sila ay wala ring gaanong boses sa mga mahahalagang desisyon o pagkakagastusan, at pakiramdam nilang hindi sila binibigyan ng partisipasyon sa mga ganitong uri ng desisyon.

Kaya, sa kadalasan, pasan ng mga babae ang gawaing-bahay at pag-aalaga sa mga bata, samantalang ang mga paggawa ng mga desisyon ay para sa mga lalaki lamang, na sadyang hindi patas, at maaaring magbigay-daan sa hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil021007