Ano ang magagawa ko para sa aking kaligtasan kung ako ay handa ng umalis

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Mag-ipon ng pera hangga't kaya. Ilagay ang pera sa isang ligtas na lugar(malayo sa iyong bahay) o magbukas ng bank account sa iyong pangalan, para ikaw ay maging malaya.

Kung kayang gawin nang ligtas, , mag-isip ng ibang paraan na hindi na masyadong aasa sa kaniya, tulad ng pakikipag-kaibigan, pagsali sa grupo. o pagbibigay-oras sa pamilya.

Mayroon ka bang kakayahang kumita ng karagdagang pera?

Maghanap ng mga 'safe houses' o mga pagkalinga sa mga babaeng inabuso. Ito ay mga espesyal na lugar sa mga bayan o lungsod kung saan ang mga inabusong babae at ang kanilang mga anak ay maaaring tumira nang pansamantala. Alamin kung may matutuluyang ganitong lugar bago umalis.

Magtanong sa mga kaibigan o kamag-anak na pinagkakatiwalaan kung maaari kang tumuloy sa kanila o pahiramin ka ng pera. Siguraduhing hindi magsusumbong sa iyong asawa kung sakaling magtanong.

Kumuha ng kopya ng mga mahahalagang dokumento tulad ng iyong Id o ang mga vaccination records ng iyong mga anak. Magtago ng kopya sa iyong bahay at magbigay ng kopya sa taong iyong pinagkakatiwalaan. Mag-iwan ng pera, kopya ng mga dokumento, at mga ekstrang damit sa taong pinagkakatiwalaan para makaalis agad.

Kung ito ay magagawa nang ligtas, pag-aralan ang balak ng pagtakas kasama ang mga anak, at tingnan kung ito ay kakayanin. Siguraduhing hindi magsasalita ang iyong mga anak.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020118