Ano ang magagawa ko upang makayanan ng mas mahusay ang pangunahin palatandaan ng pagregla PMS

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Magkakaibang paraan ang maaring makatulong sa PMS para sa bawat babae. Upang malaman kung ano ang makakatulong, dapat subukan ang iba't ibang mga bagay at pansinin kung ano ang higit na nakakagaan ng kanyang pakiramdam. Una, subukan ang mga sumusunod na mga mungkahi para sa sakit na nararamdaman tuwing bago magkaroon ng buwanang regla.

Ang mga sumusunod na ideya ay maaari ring makatulong:

  • Iwasan ang kumain ng maalat na pagkain. Ang asin ay dahilan ng sobrang tubig sa loob ng katawan, na nakakapagpabigat ng pakiramdama sa ibabang parte ng puson.
  • Subukan iwasan ang caffeine (matatagpuan sa kape, tsaa at ilang soft drinks tulad ng cola).
  • Subukan kumakain buong butil tulad ng mais o kanin, mani, sariwang isda, karne at gatas, o iba pang mga pagkain na mataas sa protina. Kapag kumain ng mga pagkaing ito, mababawasan ang anumang dagdag na tubig sa katawan, na syang magpapaginhawa at magpapagaan ng pakiramdam.
  • Ang pag-ehersisyo ay maaring makatulong sa mga palatandaan ng PMS.
  • Subukan ang mga halaman gamot. Tanungin ang mga mas may edad na kababaihan sa inyong komunidad kung alin ang gumagana.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010220