Ano ang malarya
Ang malarya ay isang malubhang sakit na dala ng mga kagat ng lamok. Ang malaria ay laganap sa maraming bahagi ng mundo. Sa sub-Saharan Africa, ito ang nangungunang dahilan ng pagkamatay, pagkakasakit, at mahinang paglaki ng mga bata. Itinatayang may batang namamatay bawat 30 segundo sa lugar na dahil sa malarya.
Ang malarya ay kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Anopheles. Nililipat ng lamok na ito ang parasitikong Plasmodium sa katawan ng bawat taong madapuan. Ang mga madapuan ay makakaranas ng mataas na lagnat, pagtatae, pagsusuka, pagsakit ng ulo, panginginig at mala-trangkasong sakit. Ang sakit na ito ay maaaring lumala nang mabilis, na maaaring mapunta sa coma o pagkamatay, lalo na sa mga bata. Ang mga batang may edad na 5 pababa, ang mas madaling kapitan ng malaria dahil hindi pa ganoong kalakas ang kanilang katawan para malabanan ito.