Ano ang mangyayari kung magpunta ako sa pulis
Sa maraming lugar, ang panggagahasa ay isang krimen. Nguni't ito ay aabutin ng mahabang panahon at napakahirap na mapatunayan na ikaw ay nagahasa.
Laging magsama ng iba kung ikaw ay pupunta sa pulis.
Ang pulis ay magtatanong kung anong nangyari. Kung kilala mo ang nanggahasa sabihin mo kung sino ito, Kung hindi, kailangan mo lang ilarawan ang itsura nito, Kakailanganin i kang sumama sa pulis para hanapin ang tao, Maaari ka ring pakunin ng medical exam mula sa isang duktor na nagtatrabaho sa pulis. Ito ay hindi pagsusuri para matulungan kang gumaling, kundi para mapatunayang ikaw ay ginahasa.
Sa ilang mga bansa, ang mga babae ay nagtrabaho sa pulis para magkaroon ng kasanayan ang mga babaeng opisyal ng pulis upang matulungan ang mga biktima ng panggagahasa at karahasan.
Kung ang manggagahasa ay nadakip, kailangan mo siyang kilalanin, sa harap ng mga pulis o sa harap ng hukom. Kung mayroong paglilitis, subukang maghanap ng abugado na nakahawak na ng mga kasong panggagahasa. Ang abugado ang makakapagsabi ng mga dapat asahan at makatutulong para sa paghahanda sa pagllilitis. Laging magsama ng kakilala.
Ang pagpunta sa hukuman dahil sa rape ay hindi madali. Ilalarawan mo ang mga pangyayari na maaring magpanumbalik ng mga pakiramdam mo ng ikaw ay ginagahasang muli. Hindi lahat ay makauunawa. Ang ilan ay susubukang ikaw ay sisisihin sabihing ikaw ay nagsisinungaling.