Sa mga babae, ang karahasan ng kalalakihan ay magdudulot ng:
kawalan ng layunin o pagpapahalaga sa sarili.
mga problema sa kaisipan, tulad ng labis na pag-aalala, at mga problema sa pagtulog at pagkain. Para makayanan ang karahasan, maaaring maging mapanakit o sumama ang ugali - katulad ng paglalasing o paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, o pakikipagtalik sa maraming lalaki.
mga masidhing sakit ng katawan o sugat: mga baling buto, paso, maitim na mata, mga hiwa at galos, pananakit ng ulo, puson, kalamnan na maaaring magtuloy-tuloy sa loob ng maramingtaon pakatapos ng pang-aabuso.
mga problema sa pangsekswal na kalusugan. Maraming kababaihan ang nakukunan sa pambubugbog sa kanila habang sila ay buntis. Nagbubutis din sila nang wala sa plano, nahahawa ng mga STIs, o nagkakaroon ng HIV dahil sa sekswal na pang-aabuso. Ang pang-aabusong sekswal ay nagdudulot ng takot sa pakikipagtalik, masakit na pakikipagtalik, o kawalan ng ganang makipagtalik.
kamatayan.
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.